Rep. Cayetano, nagbabala ng 3-year term sa mga senador

Nagbanta si Taguig City Representative Alan Peter Cayetano na babawasan ang termino ng mga senador sa tatlong taon.

Ayon kay Cayetano – nais niyang mapatunayan na ang mga halal na opisyal na may three-year terms, kabilang ang mga kongresista at iba pang local officials ay kakaunti lamang ang nagagawa sa trabaho.

Giit niya, bitin ang tatlong taong panunungkulan.


Paliwanag niya, ang mga three-year term elective officials ay kaya lamang i-perform ang kanilang duties sa isang taon at magpo-focus na ang mga ito sa huling dalawang taon ng kanilang termino para paghandaan ang susunod na halalan.

Binigyang diin ni Cayetano ang importanteng magtulungan ang lahat ng house members.

Facebook Comments