Nakuha ni Rep. Alan Peter Cayetano ang unang pwesto sa pagkasenador sa pinakahuling survey na inilabas ng Pulse Asia.
Sa face-to-face survey na isinagawa nitong Disyembre 1 hanggang 6, tinanong ang 2,400 adult respondent na sino ang kanilang iboboto sakaling ngayong araw ang May 2022 elections.
Si Cayetano ay nakakuha ng 64.1 percent na boto, sinundan ni Raffy Tulfo na may 60 percent.
Pasok din si Rep. Loren Legarda na may 58.7%; Sorsogon Gov. Chiz Escudero na may 53.9% at Mark Villar na may 51.3%.
Kasama rin sa magic 12 sina Sen. Migz Zubiri na may 49.4% votes; dating Vice President Jojo Binay na may 44.7%; Sen. Joel Villanueva na may 41.6%; Sen. Win Gatchalian na may 40.1%; Pangulong Rodrigo Duterte na may 35.8%; Robin Padilla na may 35.6% at Sen. Risa Hontiveros na may 35.5% votes.