“Ngayon ang tamang panahon ng pagmumuni-muni.”
Ito ang naging payo ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa broadcast network na ABS-CBN sa kabila ng pagkabinbin ng panukalang franchise renewal sa Kongreso.
Sa inilabas na statement ni Cayetano, inihayag niyang dapat isipin mabuti ng ABS-CBN kung bakit dumating sa puntong naghain ng quo warranto petition ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema para ipawalang-bisa ang prangkisa nila.
Dagdag ng mambabatas, kahit sila ay nagmumuni-muni sa totoong papel nila sa nation-building at mga serbisyong gagawin para sa taumbayan.
Batay sa legislative agenda ng Presidente, sinusuri umano mabuti ng Kamara ang prangkisa ng lahat ng broadcast network dahil nakakaapekto sa bansa ang naturang isyu.
Maituturing raw ito na mahalagang usapin katulad ng 2019-novel coronavirus, rehabilitation efforts sa mga apektado ng pagsabog ng bulkang Taal, pagpapatigil sa Visiting Forces Arrangement (VFA), at African Swine Flu (ASF).
Siniguro naman ng kongresista na magsasagawa sila ng patas na pagdinig at pakikinggan ang bawat panig kaugnay sa pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN.
Nakatakdang ma-expire ang lisensya ng istasyon sa darating na Marso 30.
Basahin ang kabuuang pahayag ni Congressman Cayetano hinggil sa usapin ng franchise renewal at quo warranto petition ng OSG laban sa Kapamilya network: