Monday, January 19, 2026

Rep. Danny Domingo, itinanggi ang pagtanggap ng kickback mula sa flood control projects

Mariing itinanggi ni Bulacan 1st District Representative Danny Domingo na tumanggap din siya ng kickback mula sa pondong nakalaan sa flood control projects.

Siya, kasama ang iba pang politiko ay binanggit ni dating DPWH Assistant Engineer Brice Hernandez sa Senate Blue Ribbon Committee hearing na kasama sa mga nakikinabang sa flood control projects.

Diin ni Domingo, wala siyang anumang partisipasyon sa mga usaping may kaugnayan sa implementasyon ng mga proyekto, at wala rin siyang natanggap na anumang benepisyo mula rito.

Nangako naman si Domingo na patuloy siyang makikipagtulungan sa mga kaulang ahensiya.

Ayon kay Domingo, kaisa siya sa pagsusulong ng buong katotohanan, upang matiyak na ang pondo ng bayan ay nagagamit nang tapat, wasto, at para sa kapakinabangan ng mamamayan.

Facebook Comments