Monday, February 9, 2026

Rep. De Lima, nanindigan na mas malakas ang mga ebidensya ng impeachment complaint ngayon laban kay VP Duterte

Binigyang-diin ni House Deputy Minority Leader at Mamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima na mas malakas pa ang ebidensya ngayon ng ikalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na inendorso nila ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña.

Tugon ito ni De Lima sa sinabi ni VP Sara na ang impeachment complaint na inendorso ng Akbayan ay isang papel na walang kalakip na ebidensya.

Paalala ni De Lima, naimpeach na si VP Sara ng Kamara dahil sa reklamong impeachment na halos kapareho ng kanilang inihain ngayon.

Ayon kay De Lima, nakaligtas lang si VP Duterte sa unang umpeachment case dahil pinawalang bisa ng Korte Suprema yung Articles of Impeachment dahil sa teknikalidad.

Kumpyansa si De Lima na makikita ng House Committee on Justice na sufficient in form and substance ang kanilang impeachment complaint laban sa bise presidente para muli itong mai-akyat sa Senado at maisalang sa paglilitis.

Mensahe ni De Lima kay VP Duterte, pagdating sa paglilitis ay hindi pwedeng idadaan sa patutsada o “pamomolitika” ang sagot.

Facebook Comments