
Nakatakdang humarap sa tanggapan ng Independent Commision for Infrastructure (ICI) ang ilang kongresista bilang resource person.
Kabilang sa ipatatawag sina House Majority leader at Presidential son Sandro Marcos at Davao 1st District Representative Pulong Duterte.
Kasama pa sa naimbestigahan sina Benguet Lone District Representative Agarao at Bulacan 1st District Rep. Danny Domingo.
Bukod pa rito, inaasahang dadalo rin ang mga opisyal at kinatawan ng Land Bank of the Philippines.
Sa ngayon, wala pang kasiguraduhan kung anong araw dadalo sa komisyon ang mga nabanggit na mambabatas.
Wala pa ring ibinababang impormasyon ang ICI kung executive session na naman ba ito o maari nang i-livestream.
Samantala, inaasahan pa ang pagsusumite ng Philippine National Police (PNP) ng mas marami at kahon-kahong dokumento kaugnay ng flood control sa ICI bukod pa sa nauna nang 95 box na naglalaman ng 28 ghost flood control projects sa iba’t ibang rehiyon.









