Rep. Erwin Tulfo, naghain ng COC sa pagkasenador; handang bumaba sa 2028 sakaling walang maipasang panukala sa unang 3 taon sa Senado

Pormal nang naghain ng kandidatura para sa pagkasenador si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo.

Pasado alas-dose nang maghain ng Certificate of Candidacy si Tulfo sa ilalim ng partidong Lakas-CMD.

Sa pagharap ng kongresista at dating DSWD Secretary sa entablado, inilatag ni Tulfo ang plataporma gaya ng pag-prayoridad sa mga batas na para sa middle class.


Panahon na aniya para pakinggan ang kanilang hinaing gaya ng umento sa sahod, dagdag benepisyo at retirement benefits para sa mga nasa pribadong sektor.

Si Tulfo ay isa sa patuloy na nangunguna sa pre-election surveys at nasa lineup ng administration slate na Bagong Alyansang Pilipinas.

Pagdating naman sa isyu ng anti-political dynasty, sinabi ni Tulfo na ang taumbayan na ang bahala at handa naman silang sumunod sakaling magkaroon ng batas kaugnay rito.

Sa panayam din kay Tulfo pagkatapos ng filing, sinabi nitong handa siyang bumaba sa pwesto at hindi tapusin ang termino kung wala siyang magagawa sa unang tatlong taon na panunungkulan sakaling palarin na maluklok sa Senado.

 

Facebook Comments