Rep. Floirendo, sinibak sa Commission on Appointments bilang kinatawan ng PDP-Laban

Manila, Philippines – Sinibak bilang miyembro ngCommission on Appointment o CA si Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo.
  Si Floirendo, na kaaway ngayon ni House Speaker PantaleonAlvarez, ay kinatawan ng PDP-Laban sa makapangyarihang CA.
  Pero sa sesyon kanina, pinalitan si Floirendo ni IsabelaRep. Rodito Albano, na umalis na sa Nacionalista Party o NP para lumipat saPDP-Laban.
  Kapalit naman ni Albano si Zamboanga del Norte Rep. SethJalosjos bilang kinatawan ng NP sa CA.
    
Nabatid na hindi pumasok sa sesyon si Floirendo nangmagbotohan sa Kamara para sa Death Penalty bill.
  Ang mga lider ng Kamara na bumoto laban sa panukala aynauna nang inalis sa puwesto.
 
Nagka-sigalot sina Floirendo at Alvarez dahil sa kaso ngTagum Agricultural Development Company o TADECO na may kasunduan sa BuCor paraupahan ang Davao Penal Colony.

Facebook Comments