Rep. Frasco, nilinaw na isang official mission ang biyahe niya sa London at agad siyang umuwi sa bansa nang mabatid ang paghagupit ng Bagyong Tino

Nilnaw ni Cebu 5th District Representative Duke Frasco na isang official mission ang biyahe niya sa London kung saan kasama siya sa Philippine delegation sa World Travel Market (WTM) na isa sa mga malaki at mampluwensyang global travel and tourism expositions sa buong mundo.

Ayon kay Frasco, dumating siya sa London noong November 4 at nang mabatid ang pananalasa ng Bagyong Tino ay agad siyang nag-book ng biyahe pabalik noong November 5.

Sabi ni Frasco, nakabalik siya sa Pilipinas noong November 6 at agad siyang dumiretso sa Barangay Cotcot, Liloan, at nagsagawa ng relief at coordination efforts sa mga kaukulang opisyal ng pamahalaan.

Diin ni Frasco, ang kanyang travel authority ay aprubado ng gobernador ng Cebu at ng Speaker ng House of Representatives sa pamamagitan ng Secretary-General.

Bunsod nito ay iginiit ni Frasco na ang reklamong inihain sa Ombudsman ay mali dahil bilang isang mambabatas ay nakatuon ang mandato niya sa pagkatawan sa kanyang distrito, paggawa ng panukalang batas at pagbabantay sa implementasyon ng batas.

Gayunpaman, idiniin ni Frasco na palagi siyang handang magbigay ng suporta at tulong sa kanyang mga kababayang nangangailangan lalo na tuwing panahon ng kalamidad at trahedya kahit pa personal na pera niya ang gamitin.

Facebook Comments