Rep. Kiko Barzaga, desididong kunin ang posisyon bilang House speaker

Desidido si Cavite Representative Francisco “Kiko” Barzaga na kunin ang posisyon bilang House speaker mula kay Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez.

Umaasa si Barzaga na hindi hahadlang si House Majority Leader Rep. Sandro Marcos sa kaniyang plano.

Ayon kay Barzaga sa oras na mahalal bilang House speaker ay babaguhin nya ang sistema ngayon kung saan ang mga deputy speaker ay malapit at konektado kay Romualdez.

Sabi ni Barzaga, ipapatupad nya na magkaroon ng deputy speaker mula sa bawat grupo o paniniwala kasama dito ang panig ng administrasyon.

Facebook Comments