Rep. Kiko Barzaga, kumalas sa NUP matapos pagbintangan na kumakalap ng lagda para mapatalsik si House Speaker Romualdez

Kinumpirma ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga na kumalas siya sa National Unity Party (NUP) at bilang House Assistant Majority Leader.

Ginawa ito ni Barzaga matapos siyang pagbintangan na nangangalap ng pirma para mapatalsik si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na kanyang mariin itinanggi.

Naniniwala si Barzaga na hindi rin nagustuhan ng iba sa NUP ang kanyang rekomendasyon kay party chairman Rep. Ronaldo Puno na huwag ng ipagtanggol ang Kamara at mga kongresista sa isyu ng kapalpakan at korapsyon sa flood control projects.

Sa ngayon ay ikinokonsidera ni Barzaga ang sarili bilang independent minority member.

Naniniwala rin si Barzaga na dapat maimbestigahan si Speaker Romualdez sa isyu ng maanomalyang flood flood control projects dahil imposible aniya na wala itong alam.

Facebook Comments