Bagama’t naapektuhan rin ng Bagyong Odette, tiniyak ngayon ni Antique Lone District Representative Loren Legarda ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Visayas at Mindanao.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Legarda na bukod sa pagtulong sa mga Indigenous People sa kanilang lugar sa Antique na nawalan ng tahanan, prayoridad din nila ang pagmamahagi ng relief goods at mga materyales sa pagpapatayo ng mga bahay.
Partikular ang mga apektado aniya sa Central Visayas, Eastern Visayas, Mindanao at Palawan.
Sa kabutihang palad, sinabi ni Legarda na walang naitalang nasawi sa Antique sa pananalasa ng Bagyong Odette.
Facebook Comments