Saturday, January 31, 2026

Rep. Leviste, mahigit limang buwang magta-travel sa iba’t ibang bansa bilang tugon sa umano’y request ng ilang kinatawan ng administrasyon

Kinumpirma ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste na humiling siya sa Kamara ng “travel authority” para sa mga biyahe nya sa 20 bansa simula February 8 hanggang July 26.

Kabilang sa mga bansang pupuntahan ni Leviste ang United States, Hong Kong, Singapore, Indonesia, Cambodia, Timor-Leste, France, Germany, Belgium, the Netherlands, Italy, Switzerland, Austria, Portugal, Spain, Australia, the United Kingdom, China at United Arab Emirates.

Pakay ni Leviste na bistahin ang mga Filipino community sa nabanggit na mga bansa.

Nilinaw naman ni Leviste na hindi siya dire-diretsong nasa abraod sa loob ng mahigit limang buwan kaya magiging present pa rin sya sa Kamara lalo kung bibigyan sya ng pagkakataong makapagsalita ukol sa isyu.

Ayon kay Leviste ang kaniyang travel abraod ay kasunod ng umano’y “request” ng ilang “high-level representatives” ng administrasyong Marcos Jr., na ipinarating sa kaniyang ina na si Sen. Loren Legarda.

Sabi ni Leviste, mayroon umanong gustong umalis siya sa bansa at ihinto ang paglalabas ng mga ebidensya na nag-uugnay sa mga opisyal ng gobyerno sa maanumalyang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Facebook Comments