
Nananawagan si Batangas Rep. Leandro Leviste kay Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na isapubliko ang files ng yumaong si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral.
Ayon kay Leviste, ibinigay sa kanya ni Cabral ang files ng listahan ng mga proponent ng DPWH insertions sa buong bansa noong Setyembre 4 ng may pahintulot ni Secretary Dizon.
Sabi ni Leviste, maari din niyang ilabas ang mga insertions ng mga proponent kung pahihintulutan sya sa Kongreso.
Binanggit ni Leviste na ipinakita na nya ang nasabing files sa Independent Commission for Infrastructure noong Nobyembre 18 at 19, at sa Ombudsman noong Nobyembre 26.
Diin ni Leviste, ang paglalabas sa naturang files ay magkakaroon ng malawakang mga epekto dahil nakasaad dito ang proponent ng flood control at iba pang proyekto ng DPWH sa buong gobyerno na kinabibilangan ng mga Kongresista, Senador, mga opisyal mula sa Ehekutibo, gayundin ang Kalihim at Undersecretary sa labas ng DPWH, pati mga pribadong indibidwal.









