Tuesday, March 24, 2026

Rep. Leviste, nanindigan na wala siyang obligasyon na bayaran si Usec. Castro

Nanindigan si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na wala siyang obligasyon na bayaran si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.

Gayunman, ayon kay Leviste, kung kinakailangan ni Castro na magpagamot, bukas siyang sagutin ang gastusin nito sa ospital.

Tugon ito ni Leviste sa paghingi ni Castro ng P500 million na danyos mula sa kanya dahil umano sa paninira sa kanyang integridad na nagdulot ng “sleepless nights and anxiety.”

Bunga umano ito ng cyber libel complaint na isinampa ni Leviste laban kay Castro.

Ayon pa kay Leviste, mabuti na rin na maglabas si Castro ng medical certificate dahil interesado ang taumbayan na malaman ang kalagayan ng kalusugan ng mga kawani ng gobyerno at masuri ang kanilang trabaho.

Tinukoy rin ni Leviste na sa ilalim ng 2026 national budget, umaabot umano sa P2.46 billion ang nakalaang pondo para sa opisina ni Usec. Castro.

Facebook Comments