
Mariing itinanggi ni Batangas 1st Representative Leandro Legarda-Leviste ang nakasaad sa affidavit ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Batangas District Engineer Abelardo Calalo na donasyon at hindi suhol ang milyones na pera na tinangka nitong ibigay sa kanya.
Binanggit ni Leviste na ang pera ay mayroong resibo ng tatlong kontrata na aabot sa ₱104 million, at may “note” na 3% ng mahigit ₱3 million.
Bunsod nito ay hinahamon din ni Leviste kay Calalo na isapubliko ang pangalan ng mga contractors na sinasabi nitong handang magbigay ng donasyon na posibleng umabot ng hanggang ₱360 million.
Ayon kay Leviste, hindi rin totoo ang sinabi ni Calalo na sinabihan siya ni Uswag Ilonggo Party-list Representative James “Jojo” Ang na mangolekta ng mga donasyon mula sa mga contractor bilang suporta sa kaniyang mga proyekto.









