Rep. Libanan, itinalaga bilang lead prosecutor para sa impeachment trial kay VP Sara

Itinalaga si House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan bilang “lead prosecutor” ng house prosecution panel para sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay 1-Rider party-list rep. Rodge Gutierrez, nakasaad ito sa liham na ipinadala ng 11 miyembro ng house prosecutors sa Senado na siyang impeachment court.

Binanggit ni Gutierrez na si Libanan ang “most senior member” ng public prosecutors.


Si Libanan ay dati na ring nagsilbi bilang kinatawan at vice governor ng Eastern Samar at naging commissioner din ng Bureau of Immigration (BI) sa ilalim ng administrastion ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Dati rin siyang chairman ng House Committee on Justice.

Facebook Comments