Tiwala si 3 term Senator at Antique Lone District Representative Loren Legarda na maaabot ng bansa ang 2.5% na target growth sa agriculture industry ngayong taon.
Ito ay kahit pa bumagsak ng 3.3% ang agriculture output ng bansa sa unang quarter ng taon dahil sa epekto ng pandemya at African Swine Fever (ASF).
Sa interview ng RMN Manila, binigyang-diin ni Legarda na hindi imposible na maabot ang target growth at food security ng bansa lalo na’t mayaman sa natural resources ang Pilipinas.
Aniya, kailangan lamang ay paigtingin ang suporta ng pamahalaan sa mga magsasaka, maglatag ng long term solution at gawin ang Plant-Plant-Plant program na isinusulong ng senadora.
Facebook Comments