Naniniwala si House Deputy Speaker at 3-term senator Loren Legarda na malaking pakinabang para sa pagbangon ng ekonomiya kung mas mapapataas pa ang vaccination rate sa bansa.
Ito ay sa gitna ng mababa pa ring bilang ng mga nababakunahan kabilang na ang mga nagpapaturok ng booster dose.
Ayon kay Legarda, ngayong marami pa ring hindi pa bakunado ay patuloy siyang nananawagan sa mga Pilipino na magpabakuna lalo na’t marami naman tayong supply.
Makatutulong din aniya para sa economic recovery ng bansa partikular na para sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) ang mataas na vaccination coverage.
Batay sa datos ng DOH, nasa halos 66 million Pilipino na ang fully vaccinated pero mahigit 12 million pa lamang ang nabigyan ng booster shots.
Facebook Comments