Rep. Loren Legarda, pinatitiyak sa Kamara kung nakarating sa taong bayan ang mga ayuda na nasa ilalim ng Bayanihan 1 at 2

70

Pinapasilip ni 3 term Senator at Antique Lone District Rep. Loren Legarda sa Kongreso kung naibigay ng tama ang mga ayuda na nakapaloob sa Bayanihan 1 at Bayanihan 2.

Sa interview ng RMN Manila kay Sen. Legarda, sinabi nito na nakatakda siyang maghain ng resolusyon sa Kamara para masilip kung naipamahagi ng tama ang mga ayuda.

Ayon kay Legarda, sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2 ay mas pinalakas ang mga programa ng gobyerno para sa mga Overseas Filipino Workers, mag-aaral, mga apektadong manggagawa, medical health workers at frontliners.


Nais ng mambabatas na matiyak na makakarating sa taong bayan sa tamang oras ang mga nakasaad sa batas.

Facebook Comments