Pinasisipot ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) si Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel sa pagdinig sa Senado.
Ito’y makaraang paimbitahan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang mambabatas ukol sa umano’y pagdawit sa kanya sa terror grooming at recruitment ng mga estudyante para sumapi sa New People’s Army (NPA).
Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Usec. Ernesto Torres Jr., ito ang magandang pagkakataon para linisin ni Manuel ang pagdadawit sa kanyang pangalan sa ‘di umano’y terror grooming na nangyayari sa mga eskwelahan.
Samantala, sinabi ni NTF-ELCAC Strategic Communications Cluster Chair Jonathan Malaya, deserve ng publiko na malaman ang katotohanan.
Nanawagan din ang NTF-ELCAC sa mga school administration sa bansa na suportahan ang pagdinig sa Senado na layong magkaroon ng lehislasyon upang maiwasan ang terror grooming sa mga kabataan.