
Mariing itinanggi ni SAGIP Party-list Representative Paolo Henry Marcoleta ang lumabas na ulat na may kaugnayan ang kanyang inang si Edna Marcoleta sa kompanya ng mga Discaya.
Tugon ito ni Congressman Marcoleta sa impormasyon na si Mrs. Marcoleta ay direktor ng Stronghold Insurance, chairperson ng audit committee at nakaupo sa corporate governance at related party transactions committees.
Giit ni Representative Marcoleta, ang kanyang ina ay hindi co-owner o regular na empleyado at inside director, kundi independent director ng Stronghold Insurance.
Paliwanag ni Marcoleta, ang isang independent director ay hindi empleyado ng kumpanya kaya walang material ties at substantial shares, wala ring kontrol sa sales and marketing activities at walang professional relationships sa kumpanya at stakeholders.
Diin ni Rep. Marcoleta, malinaw na walang direktang koneksyon sa pagitan ng kanyang ina at ng mga transaksyon ng Stronghold sa kompanya ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.









