Rep. Momo at pamilya nito, inireklamo sa Ombudsman kaugnay sa kanilang kompanya

Nasampahan na ng mga kasong graft at plunder sa Office of the Ombudsman si Surigao del Sur 1st District Representative Romeo Momo at kanyang mga kaanak na konektado umano sa Surigao La Suerte Corporation (SLSC).

Sa ihinaing reklamo, nakakuha ang SLSC ng maraming kontrata na umaabot sa ₱1.4 bilyon.

Sa pangunguna ng abogado na si Atty. Mary Helen Polinar Zafra ay ipinasa nila ang mga dokumentong nag-uugnay sa pamilyang Momo sa mga nasabing kontrata ng gobyerno.

Naniniwala rin ang mga complainant na mayroong conflict of interest dahil base sa record ng Securities and Exchange Commission o SEC ay minsan na ring naging direktor si Rep. Momo.

Si Momo ay dating Undersecretary ng Department of Public Works and Highways o DPWH at nagsilbi nang siyam na taon sa iba’t ibang posisyon sa ahensya.

Nagsisilbi naman bilang Chairman ng House Committee on Public Works and Highways at Co-Chairman ng Joint Congressional Oversight Committee on Public Works si Momo ngayon.

Kaya hiniling ng coalition ng mga pari at abogado na tanggalin si Momo sa bicameral committee na humahawak sa 2026 national budget.

Facebook Comments