Rep. Noel Rivera, mariing itinanggi na sangkot sya sa naumang uri ng korapsyon

Rep. Noel Rivera, mariing itinanggi na sangkot sya sa naumang uri ng korapsyon

Mariing itinanggi ni Tarlac 3rd district Rep Noel “Bong” Rivera na sangkot sya sa anumang uri ng korapsyon.

Pahayag ito ni Rivera matapos syang ireklamo ng plunder sa Ombudsman ng United Pilipino Against Crime and Corruption (UPACC) kaugnay sa halos P600 million na halaga ng kontrata na nakuha sa gobyerno ng kompanya na konektado sa kanya at sa misis niya na si Concepcion Vice Mayor Evelyn Rivera.

Ayon kay Rivera, wala pa syang natatanggap na opisyal na kopya ng naturang reklamo na handa nyang sagutin sabay giit na malinis ang kanyang konsensya at patuloy na naninindigan para sa katotohanan, pananagutan, at transparency.

Sabi ni Rivera, bukas at handa syang makipagtulungan upang maipaliwanag ang kanyang panig sa tamang oras at sa wastong paraan.

Tiniyak din ni Rivera na patuloy syang magsisilbi nang tapat at bukas sa publiko.

Facebook Comments