Rep. Ortega, itinanggi na may negatibo siyang pahayag kamakailan laban kay FPRRD na ugat ng pagbatikos sa kanya ni Rep. Paolo Duterte

Mariing itinanggi ni House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V na nagbigay siya kamakailan ng negatibong pahayag laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Ortega, kumikilos na ang kanyang team upang matukoy at mapanagot ang mga nagkakalat ng fake news o gawa-gawang social media posts laban sa kanya.

Ang nasabing fake news na statement ni Ortega laban umano kay FPRRD ang ugat ng batikos sa kanya ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte.

Ayon kay Congressman Pulong, walang alam kundi manira at putak nang putak si Ortega pero kahit isang ebidensya ay walang maipakita.

Bunsod nito ay pinayuhan ni Ortega ang publiko na maging maingat at huwag agad maniwala sa mga nababasa o ikinakalat na impormasyon online at patuloy na isulong ang katotohanan at integridad laban sa pamamayagpag ng fake news.

Facebook Comments