Itinalaga ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang legislative caretaker ng Ikatlong Distrito ng Negros Occidental si Abang Lingkod Party-list Representative Joseph Stephen “Caraps” Paduano.
Ang nabanggit na distrito ay nabakante ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Jose Francisco Kiko Benitez.
Ikinalugod naman ni Benitez na si Paduano ang mangangalaga sa kaniyang mga constituent.
Tiwala si Benitez sa kakayanan ni Paduano na isulong ang interes ng mga taga-ikatlong distrito ng Negros Occidental.
Buo rin ang pag-asa ni Benitez na maisusulong at matututukan ni Paduano ang implementasyon, pag-usad at pagkompleto na kaniyang nasimulan.
Facebook Comments