Wednesday, February 11, 2026

Rep. Paolo Duterte at mga kaalyado sa Kamaara, hindi lumahok sa botohan kaugnay sa pagbasura sa impeachment complaint laban kay PBBM

Hindi lumahok sina Davao City Representatives Paolo Duterte, Omar Duterte, Isidro Ungab at PPP Party-list Rep. Harold Duterte sa naging botohan sa plenaryo ng Kamara kaugnay sa pagbasura sa 2 impeachment complaint laban kay President Ferdinand Marcos Jr.

Sa inilabas na joint statement ay binanggit ng apat na kongresista na hindi kaya ng kanilang konsensya na makibahagi sa isang proseso na taliwas sa pagtataguyod ng katotohanan at pananagutan.

Ayon sa apat na mambabatas, ang paglahok sa naturang proseso ay malinaw na pagtataksil sa prinsipyo na naghatid sa kanila sa serbisyo-publiko.

Malinaw para kina representatives Ungab, Paolo, Harold at Omar Duterte na may inimpluwensayahan ng administrasyon ang proseso sa plenaryo ng Kamara kung saan pinagtibay ang pasya ng House Committee on Justice na ibasura ang mga reklamong impeachment laban kay PBBM.

Diin nila ang nasaksihan sa plenaryo ng Kamara ay huwad na proseso at pagpapanggap na naghahangad ng hustisya habang pinoproteksyunan ang mga totoong dapat managot.

Facebook Comments