Rep. Paolo Duterte, may karapatan na tanggihan ang imbitasyon ng ICI

Sang-ayon si House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na karapatan ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte na tumangging humarap sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.

Para kay Ridon, tama si Duterte na hindi maaaring i-compel o pilitin ang miyembro ng Kongreso na humarap sa ICI.

Subalit, diin ni Ridon sa pagtanggi ni Duterte ay pinakawalan nya ang pagkakataon na magpaliwanag kaugnay sa 52-billion na halaga ng flood control project sa kanyang lugar.

Binanggit ni Ridon, na sakaling magkaroon ng referral ang ICI sa Ombudsman ay doon na lang ni Duterte maipagtatanggol ang sarili.

Facebook Comments