Rep. Paolo Duterte, may karapatang mag-abroad ngunit dapat makipagtulungan sa imbestigasyon ukol sa flood control scandal —Rep. Ridon

Sang-ayon si House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na may karapatan si Davao Rep. Paolo Duterte na humiling ng travel clearance para bumiyahe sa 17 bansa sa loob ng halos dalawang buwan.

Giit naman ni Ridon, dapat ay maging available o handa si Duterte na humarap sa Office of the Ombudsman at iba pang investigative body sakaling ipatawag sya sa mga paglilitis kaugnay ng umano’y substandard at kuwestiyonableng infrastructure at flood-control projects sa kanyang distrito.

Diin din ni Ridon, ang ganitong pamantayan ay dapat ding ipatupad sa iba pang district representatives na may kahina-hinalang proyekto.

Ayon kay Ridon, maaring hingin mula sa kanila ang mga impormasyon ukol sa pinagmulan, pagpaplano, at implementasyon ng mga proyektong ito.

Katwiran ni Ridon, imposibleng magkaroon ng ghost at substandard na mga proyektong pang-imprastraktura nang walang sabwatan sa pagitan ng ilang mambabatas, mga opisyal ng Department of Public Works and Highway (DPWH), mga kontraktor at iba pang mataas na opisyal sa gobyerno.

Facebook Comments