Muling nagnegatibo sa drug test si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte base sa hair follicle drug test na ginawa sa kanya nitong October 23, 2024 sa isang Diagnostics Center sa Mandaluyong City.
Batay sa resulta ay walang nakitang traces ng kahit anong illegal substances sa sistema ni Duterte.
Bago ito ay unang inilabas sa publiko ni Duterte ang negatibong resulta ng kanyang hair follicle drug test na ginawa noong Agosto.
Unang sinabi ni Congressman Duterte na ang muli niyang pagsalang sa drug test ay tugon sa hamon ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte na magpa-drug test ang mga kongresista.
Tugon din ito sa hamon ng kanyang katunggali sa pagkakongresista sa Davao City na si PBA Patylist Migs Nograles na magpa-drug test silang dalawa.
Nakahain naman sa Kamara ang House Bill 10744 ni Congressman Pulong na nag-oobliga sa lahat ng inihalal na opisyal ng gobyerno na magpa-drug test kada anim na buwan.