Rep. Paul Ryan, Muling Nahahal Bilang Speaker Of The House Sa Amerika

8

UNITED STATES – Muling naihalal bilang Speaker of the House si Representative Paul Ryan sa kauna-unahang session ng kongreso sa Amerika.Nakuha ng Wisconsin congressman ang botong 239-189 kung saan karamihan sa mga ito ay pawang miyembro ng Republican na unang sumuporta sa pagkapanlo ni U.S President Donald Trump.Mauupo naman bilang house minority leader si California Representative Nancy Pelosi kung saan nasa 241 na pwesto ang hawak ng Republicans habang 194 naman sa Democrats.Matatandaan na unang na-elect bilang speaker si Ryan noong October 2015 matapos magretiro si John Boehner na representative ng Ohio district.

Facebook Comments