Rep. Pichay Nagsampa Na Ng Reklamo Laban Kay Rep. Barbers

3

MANILA – Naghain na ng reklamo sa Ethics Committee ng Kamara si Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay laban kay Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers.Ito ay may kaugnayan sa naging sagutan nila Pichay at Barbers sa pagdinig tungkol sa Charter Change na muntik ng mauwi sa suntukan.Nakasaad sa complaint sa ethics committee na inaakusahan ni Pichay si Barbers ng mabigat na paglabag sa panuntunan ng Kamara na nagdidikta na dapat ang bawat kongresista ay nagpapakita ng marangal na asal sa lahat ng pagkakataon.Sa panig naman ni Barbers, iginagalang niya ang hakbang ni Pichay dahil karapatan ito ng mambabatas.Ayon naman kay Barbers, naghahanda na rin siya ng complaint na ihahain laban kay Pichay at ihahain niya rin sa Ethics Committee ng Kamara pero ang basis ng reklamo ay surpresa muna.

Facebook Comments