Rep. PM Vargas, nagbigay sa ICI ng mga dokumentong magpapatunay na walang Discaya projects sa kanyang distrito

Boluntaryong nagtungo sa Independent Commission for Infrastructure o ICI si House Deputy Majority Leader at Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael “PM”Vargas para sa layuning ipaglaban ang katotohanan.

Nagsumite si Vargas sa ICI ng mga dokumento at iba pang pagpapatunay na walang ghost projects at Discaya projects sa ika-limang distrito ng Quezon City.

Ayon kay Vargas, nagbigay din sya sa ICI na mga impormasyon na sana ay makatulong sa pagtupad ng Komisyon sa kanilang mandato.

Nagpapasalamat si Vargas sa ICI sa pagkakataong maituwid ang paninira at maling impormasyon laban sa kanya.

Tiniyak ni Vargas na patuloy syang maghahatid ng tapat, malinaw at para sa bayan na serbisyo sa mga para sa mga Novaleño.

Magugunitang sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay isa si Vargas sa mga pinangalangan ng mag-asawang Curlee and Sarah Discaya sa mga mambabatas na umano’y tumatanggap ng kickbacks mula sa flood control projects.

Facebook Comments