Rep. Pulong Duterte at Migs Nograles, sabay na nagpa-hair follicle drug test ngayon pero sa magkahiwalay na lugar

Natupad ang sabay na pagsailalim sa hair follicle drug test nina Davao City Rep. Paolo Duterte at PBA Party-list Rep. Migs Nograles pero sa magkahiwalay na lugar.

Ginawa ang drug test ni Rep. Pulong sa isang pribadong clinic sa Mandaluyong City habang itinuloy naman ni Nograles ang drug test nya sa Davao city.

Binanggit ni Duterte na hindi niya napagbigyan ang hiling ni Nograles na sa Davao rin siya magpa-drug test dahil siya ay andito ngayon sa Maynila.


Ayon kay Congressman Duterte, ang muli niyang pagsalang sa drug test ay tugon sa hamon ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte na magpa-drug test ang mga kongresista.

Sabi naman ni Nograles, ang kanyang hakbang ay tugon sa hamon ni Congressman Pulong na magpa-drug test ang kanyang makakatunggali sa pagkakongresista sa 2025 elections upang matiyak na ang mga maglilingkod sa bayan ay malinis at walang kahit anong bisyong iligal na droga.

Facebook Comments