Rep. Salceda, humingi na ng tulong sa DOTr para sa agad na pagsasaayos ng nasirang Legazpi airport

Humingi na ng tulong si Albay Rep. Joey Salceda sa Department of Transportation (DOTr) para agad na kumpunihin ang nasirang lumang airport sa Legazpi Albay.

Ayon kay Salceda, tiniyak ni DOTr Sec. Arthur Tugade at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang agad na pagsasaayos ng airport.

Sinabi ni Salceda na marami ang pasahero ang stranded dahil sa pagsuspinde muna ng byahe sa Old Legazpi Airport dulot ng malakas na bagyong Tisoy.


Pero tiniyak ng kongresista na bukas ng umaga ay magre-resume na ang mga flights sa kanilang airport.

Magpapadala na rin ng reinforcement team para sa pagaayos at restoration agad sa operasyon ng airport.

Pinayuhan muna ang mga pasahero na sakaling bumalik ang operasyon ay manual bag inspection muna ang kanilang gagawin.

Aabot naman sa 125,282 individuals ang nailikas sa Albay.

Dagdag ni Salceda, wala namang naitalang casualty o patay dahil sa bagyong Tisoy sa Albay.

Facebook Comments