
Isiniwalat ni dating Cong. Elizaldy Co na tuwing sasalang na sa bicameral conference committee ang budget ay mayroon ding insertions si Presidential Son at House Majority Leader Sandro Marcos na aabot sa halos ₱51 billion ang halaga mula 2023 hanggang 2025.
Binanggit ito ni Co sa ikalimang video na inilabas nya ngayong araw sa kanyang Facebook page na noong 2023 ay nagsingit si Rep. Sandro ng ₱9.636 bilyon sa budget, ₱20.174 bilyon noong 2024 at ₱21.127 bilyon nitong 2025.
Ayon kay Co, nalaman pa niya sa mga contractor na galit na galit sa kanya si Congressman Marcos dahil kulang daw ng 8 billion ang insertions na gusto niyang ipasok sa 2025 budget.
Binanggit ni Co na dahil dito ay pinagbantaan sya ni Congressman Marcos na ipatatanggal sya at sasampahan ng maraming kaso.
Kaugnay nito ay inilabas ni Co sa kanyang Facebook page ang hiwalay na listahan ng mga proyekto na kasama sa mga insertions ni Representative Marcos.









