
Inihalintulad ni Cavite Fourth District Representative Kiko Barzaga si Presidential son at House Majority Leader Sandro Marcos sa kanyang lolo na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ama na si Pangulong Bongbong Marcos.
Sa kanyang Facebook page ay ipinost ni Barzaga na katulad ng lolo, ama, at anak ay nakatadhana sa isang Marcos ang umano’y magnakaw mula sa pera ng mamamayang Pilipino.
Ang nabanggit na mga mensahe ni Barzaga sa social media ay makaraang isiwalat ni dating Congressman Elizaldy Co na mayroon ding insertions sa national budget si Rep. Sandro mula 2023 hanggang 2025 na umaabot sa halos P51 billion.
Dagdag pa ni Barzaga, kahit ilang contractor ang ikulong ay magpapatuloy lang ang pagnanakaw sa taumbayan hanggang nasa Malacañang pa rin si Pangulong Marcos na sya umanong mastermind o utak ng korapsyon.









