Thursday, February 5, 2026

Rep. Sandro Marcos, nilinaw na walang siyang pinupuntirya sa panukalang “No Work, No Pay” sa mga miyembro ng Kongreso.

Nilinaw ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na wala siyang sini-single out o pinupuntirya sa paghahain ng House Bill 7432 o panukalang “No Work, No Pay” sa mga miyembro ng Kongreso.

Tugon ito ni Rep. Marcos ng tanungin kung target ng kanyang panukala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na ilang buwan ng hindi pumapasok sa Senado matapos kumalat ang balita na may arrest warrant na sa kanya ang International Criminal Court (ICC).

Paliwanag ni Marcos ang kanyang panukalang batas ay tamang hakbang para masigurado na mahusay na batas ang maipapasa ng Kongreso para sa mamamayang Pilipino.

Ipinunto ni Marcos na hindi maikakaila na may mga mambabatas sa Kamara at Senado ang pala-absent at hindi lumalahok sa mga committee hearings o debate sa plenaryo.

Facebook Comments