Tuesday, April 7, 2026

Rep. Sarah Elago, Pumalag sa Pagtutol ni Sen. Lacson sa Pag-alis ng Fuel Taxes

Pumalag si House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago sa pagtutol ni Senator Panfilo Lacson sa panukalang alisin ang excise tax sa mga produktong petrolyo, na tinatayang magdudulot ng ₱200 bilyong kita na mawawala sa gobyerno.

Giit ni Elago, hindi ang pagbawas ng buwis ang sumisira sa ekonomiya kundi ang patuloy na pagpapataw nito sa mamamayan habang kumikita ang malalaking korporasyon.

Aniya, sobra na ang pahirap sa publiko dulot ng patong-patong na buwis, kabilang ang 12% Value Added Tax at mga excise tax sa petrolyo, na nagpapalala sa inflation at nagiging dahilan ng sobrang taas ng presyo ng pangunahing bilihin.

Mungkahi ni Elago na ituon ng gobyerno ang pansin sa tax leakages, smuggling, at mahinang koleksyon, na sanhi ng bilyun-bilyong pisong kita na nawawala taon-taon, sa halip na dagdagan ang pasanin ng karaniwang mamamayan.

Facebook Comments