
Igiinit ni Navotas Representative Toby Tiangco na fake news ang mga kumalat sa social media na komento umano nya patungkol sa testigo sa Senate Blue Ribbon Committee hearing na si Orly Guteza.
Ayon kay Tiangco, wala syang inilabas at ilalabas na anumang komento, positibo man o negatibo, patungkol kay Guteza.
Diin pa ni Tiango, hindi niya rin talaga kilala si Guteza.
Matatandaang sa nakarang pagdinig ng Senado ay humarap si Guteza na nagpakilala bilang dating security aide ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Ikinwento ni Guteza sa senate hearing na nagdala siya ng male-maletang pera na umano’y kickback mula sa flood control projects sa bahay ni Rep. Co.
Facebook Comments









