Rep. Tiangco, mayroong umanong P529-M budget insertions para sa ghost at substandard flood control projects

Umalma si AKO Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., sa alegasyon ni Navotas Rep. Toby Tiangco na may bilyon-bilyong pisong insertions sa 2025 national budget si AKO Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co.

Giit ni Garbin, walang dapat imbestigahan si Tiangco kundi ang sarili niya dahil mayroon itong P529 million na insertions sa ilalim ng 2025 budget para sa flood control projects sa Navotas.

Ayon kay Garbin, ang contractor sa naturang proyekto ni Tiangco ay ang mga contractor na St. Timothy at SYMS Trading na pawang iniimbestigahan ngayon dahil sa pagkakasangkot sa maanumalyang flood control projects.

Samantala, binigyang diin naman ni Garbin na hindi nagtatago si Representative Co.

Ayon kay Garbin, hinatid ni Co ang kanyang anak na nag-aaral sa Estados Unidos at isinabay na rin nito ang kanyang medical check-up.

Facebook Comments