Nagpasalamat si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa pagtanggap ng mga kasamahan nya sa mayorya sa kanyang desisyon na bitiwan ang pagiging chairman ng House Committee on Appropriations.
Ayon kay Co, mabigat man sa kanyang kalooban na iwanan ang pamumuno sa komite ay kailangan nya itong gawin upang matutukan ang kanyang kalusugan.
Binigyang diin ni Co na isang malaking karangalan na ipinagkatiwala sa kanya ang napakalaking responsibilidad na pagbusisi sa pambansang pondo sa loob ng tatlong taon.
Pinagmalaki rin ni Co, ang mga pangunahing accomplishments nila sa pagbalangkas ng national budget tulad ng pagsasakatuparan sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program at paglalaan ng pondo para sa mga inisyatiba ng adminstrasyon sa sektor ng kalusugan, pabahay, pagkain at seguridad ng bansa.