Rep. Zaldy Co, mariing itinanggi ang mga paratang sa kanya kaugnay sa maanumalyang flood control projects

Iginiit ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na hindi totoo at walang basehan ang mga alegasyon laban sa kanya.

Reaksyon ito ni Co, sa ibinunyag ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineer Henry Alcantara sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na siya ang pangunahing tagapagtaguyod o proponent ng mga maanomalyang ghost flood control projects sa Bulacan First District Engineering Office.

Lumabas sa Senate Hearing na mula 2022 hanggang 2025 ay nasa mahigit P35-billion ang halaga ng mga proyekto na promotor si Co o katumbas ng 426 na mga proyekto.

Ayon kay Co, gagamitin niya ang kanyang karapatan na sagutin ang nabanggit na mga paratang sa tamang panahon at sa tamang forum.

Hindi naman nagbigay ng impormasyon si Co hinggil sa kanyang kinaroroonan sa ibang bansa.

Una rito ay binawi na rin ni House Speaker Faustino Bojie Dy ang travel clearance ni Co at inuutusan na siyang bumalik sa Pilipinas.

Facebook Comments