Rep. Zaldy Co, pumalag sa pagtukoy sa kanya ni Mayor Magalong bilang pasimuno ng anumalya sa flood control project

Kinondena ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang pagtukoy sa kanya ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang pasimuno ng mga iregularidad sa flood control projects.

Giit ni Co, walang basehan at hindi nakabatay sa malinaw na ebidensya ang alegasyon ni Magalong laban sa kaniya.

Diin ni Co, hindi siya sangkot sa anumang maling gawain at handa siyang sumagot sa anumang akusasyon sa tamang forum kung malinaw ang detalye at reklamong ibinabato laban sa kanya.

Kaugnay nito, duda si Co na magiging patas at walang kinikilingan ang gagawing imbestigasyon ng bubuuing independent body kung magiging miyembro nito si Mayor Magalong.

Ayon kay Co, ito ay dahil hindi pa nagsisimula ang imbestigasyon ay nagbibigay na si Magalong ng mga pahayag sa media na base lang sa mga tsismis at sabi-sabi.

Facebook Comments