Rep. Zarate, pambato ng Makabayan bloc sa house speakership

Manila, Philippines – Tatakbo na rin sa speakership race si Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate.

Si Zarate ay magiging pambato ng Makabayan bloc.

Ayon kay Act Teachers Rep. Antonio Tinio – wala silang susuportahan kahit kanino kina Marinduque Representative Lord Alan Velasco, Taguig Representative Alan Peter Cayetano at Letye Congressman Martin Romualdez.


Panahon na para iluklok ang mambabatas na tumitindig para sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan, manggagawa, magsasaka, lumad at iba pa.

Aminado si Zarate na kung numero ang pag-uusapan, dehado siya lalo at anim lang silang miyembro ng Makabayan.

Pero ginagawa raw nila ito hindi lang para igiit ang pagiging independent ng kanilang grupo sa Kamara kundi para bigyang boses ang mahihirap.

Gaganapin ang botohan para sa speakership race sa July 22 kapaherong araw kung kailan ibibigay ni Pangulong Duterte ang kanyang ika-apat na State of the National Address (SONA).

Facebook Comments