Repacking ng food packs para sa evacuees, on-going pa rin sa operations center ng DSWD sa Pasay

Tuluy-tuloy pa rin ang repacking ng family food packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Resource Operations Center nito sa Pasay City.

Ito’y para matiyak ang sapat na suplay ng pagkain para sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses.

Sinabi ni Regional Information Officer Maricris Esteta ng DSWD-NCR, na dito sa Metro Manila ay mayroong stockpile ng relief goods na naka-preposition sa Local Government Units (LGU) noong bago pa man tumama ang Bagyong Rolly.


Kailangan na lang aniyang dagdagan ang supply sa mga lugar na nabawasan na dahil ipinamahagi sa mga evacuees ngayong Bagyong Ulysses.

Tinukoy nito na ang Marikina ay mayroon nang 5,000 family food packs at 3,000 sleeping kits.

Bukod sa Marikina, humingi na rin aniya ng augmentation ang LGUs ng Quezon City, Maynila at Mandaluyong.

Kasalukuyan pang ina-update ng DSWD ang listahan nila ng evacuees sa Metro Manila dahil base sa koordinasyon nila sa LGUs, maging ang mga ito ay nag-iipon pa ng kanilang mga datos.

Facebook Comments