Repacking ng relief goods sa pangunguna ng Philippine Navy, nagpapatuloy

Kasunod ng paghagupit ng Bagyong Kristine, nagsimula nang mag-repack ng mga relief goods ang mga tauhan ng Philippine Navy para umagapay sa mga apektado ng bagyo.

Sa katunayan, kahapon nakapagpadala ang Philippine Navy ng dalawang libong family food packs sa Bicol Region na matinding sinalanta ng bagyo pero ito ay stranded sa Quezon.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang repacking ng mga family food packs na naglalaman ng dalawang kilong bigas, delata at mga noodles at ipadadala rin sa Bicol Region.


Maliban dito, mayroon ding ipadadala sa Batangas at Isabela na matindi ring hinagupit ng bagyo.

Facebook Comments