Repatriated Pinoys na naserbisyuhan ng PCG, umaabot na sa mahigit 200,000

COURTESY: PHILIPPINE COAST GUARD

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na umaabot na sa halos 206,000 ang kanilang naserbisyuhan na Filipino repatriates mula sa iba’t ibang bansa.

Ito ay kinabibilangan ng 172,938 na Overseas Filipino Workers (OFWs) at 32,779 na overseas Filipino o mga turista na dumating sa Ninoy Aqunio International Airport (NAIA).

Karamihan sa mga Pilipinong ito ay nakauwi na sa kani-kanilang probinsya at patuloy na lumalaban sa mga pagsubok na dulot ng COVID-19.


Katuwang ng Coast Guard sa nasabing serbisyo ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Kabilang dito ang Manila International Airport Authority (MIAA), Department of Transportation (DOTr), Department of Tourism (DOT), Department of Social Welfare and Development (DSWD), MARINA, Office for Transportation Security (OTS), Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine National Police (PNP) at Bureau of Quarantine (BOQ).

Mula airport, ang naturang Pinoy repatriates ay dinadala ng mga tauhan ng Coast Guard sa quarantine facilities ng gobyerno lalo na ang OFWs.

Patuloy rin ang paghatid sa mga probinsya ng mga barko ng Coast Guard sa Locally Stranded Individuals (LSIs).

Facebook Comments