Repatriation efforts ng gobyerno sa OFWs, pinaparepaso ng ni Senator Revilla

Nagpatawag ng Joint-Panel Senate Investigation si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. hinggil sa isinasagawang pagpapauwi ng pamahalaan sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kung saan marami ang nagdurusa dahil na-i-stranded pa rito sa Metro Manila.

Nakapaloob ito sa inihain ni Revilla na Senate Resolution Number 448 kasunod ng anunsyo ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mahigit 44,000 OFWs ang inaasahang babalik sa bansa ngayong Hunyo dahil sa COVID-19 pandemic.

Tinukoy rin ni Revilla ang pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mahigit 341,000 OFWs na ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at hanggang Agosto ay posibleng lumobo ang uuwing OFWs sa 200,000.


Ayon kay Revilla, sa gagawing pagdinig ay dapat mailatag kung paano mapapabilis ang repatriation process sa OFWs at kung paano sila agad maihahatid sa kanilang mga lugar o lalawigan.

Sinabi ni Revilla na target din ng pagdinig na mabuo ng estratehiya para maiwasan ang pag-apaw ng OFWs sa mga quarantine centers sa Kalakhang Maynila.

Facebook Comments