Repatriation efforts para sa mga overseas Filipino, tuloy pa rin – DFA

Patuloy ang repatriation efforts ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga overseas Filipino na gustong umuwi sa bansa ngayong may pandemya.

Sa ngayon, aabot na sa higit 342,000 overseas Filipinos ang natulungan ng gobyerno na makauwi sa bansa.

Ayon kay DFA Undersecretary Sarah Lou Ariola, marami pa ring Pilipino sa ibang bansa ang nais manatili lalo na at nagsisimula na ang pagsasagawa ng COVID-19 vaccination lalo na sa Middle East Countries.


Dagdag pa ni Ariola, nagbukas na ng ekonomiya ang Middle East kung saan target nila ang herd immunity bago ang Ramdan.

Pinuri din niya ang vaccination efforts sa Arab countries dahil kahit ang mga non-residents ay binibigyan ng libreng bakuna sa ilalim ng first-come, first served basis.

Hinihikayat ng DFA ang mga Pilipino abroad na i-avail ang libreng vaccination program na alok ng kanilang host countries.

Facebook Comments